Tuwing magdu-duty ako sa ER, kasama sa mga trabaho ko bilang intern ang pag-upo sa triage. Ito ang pambungad na mesa kung saan kailangan kong tulungan ang triage officer, karaniwang ER resident o kaya ay rotator mula sa ibang department, na harapin ang mga pasyenteng kumukonsulta sa ER ng PGH. Sa loob ng itinakdang oras, kami ang magpapasya kung ang pasyente ay kailangang i-admit, papuntahin sa outpatient department, o palipatin sa ibang ospital. Ito ang trabahong hindi ko kailanman nagustuhan.
Palimos ng Kulangot
“Kuya, penge ng kulangot,” sabi niya.
Ang unang pumasok sa isip ko, hindi ko siya kapatid. Noon lang kami nagkita; nagkataong siya ang nakatabi ko sa bus pauwi. Kung akala niya, nadadala ako sa pa-“Kuya, kuya” ng mga taong hindi ko kilala, nagkakamali siya. Pangalawa, sa pagkakaalam ko, ang kulangot ay sinusungkit mula sa ilong upang ipahid sa ilalim ng mesa, idikit sa pader, iipit sa panyo, lunurin sa lababo o itapon sa basurahan. Hindi ipinapamigay ang kulangot. At pangatlo, sakaling nahihingi man ang kulangot, bakit ko naman ibibigay ang kulangot ko sa kanya? Habang nakasakay sa bus kasama ang humigit-kumulang animnapung pasahero?
Sa ChowKing
Matapos matunaw ang yelo ng iced tea, matapos magsawa sa pagkalam ang aking sikmura, matapos kong panooring magsubuan ng halo-halo ang magkasintahan sa tapat ng aking inuupuan (nakasampung pasahan sila ng kutsarita bago maubos ang kinakain), dumating ang waiter na may bitbit ng aking hapunan.
Gusto Kong Maging Doktor Dahil
"So, why do you want to be a doctor?"
Pipilitin kong tumingin nang diretso sa mga mata ng nagtatanong sa akin. Ilalabas ang matagal ring pinagpraktisang ngiti. Kaunti lang. Sapat upang magbigay ng impresyong sigurado ako sa mga susunod kong salita.
Ang Kamay
Dati-rati
Ipinanguguhit lang ng bahay
Panira ng laruan
Pangmano kay Itay
Kinukulayan ang mundo ng kasiyahan
Binibilang ng mga daliri bituin sa kalangitan.
Sino nga ba ang mag-aakala
Na ito'y mabibigyan ng pagkakataong
Makapaglingkod sa kapwa?
Death and the Medical Student
If you want to start crying two days before someone important to you actually dies, go into medicine. By the time your grief process is over, others are just about to begin theirs.
When I came to see my paternal grandfather in the intensive care unit, I knew what to expect. It was a scene I had long become used to seeing: a patient breathing laboriously through a respirator, each inhale-exhale cycle being punctuated by the bleep of the hovering all-in-one machine tasked to monitor his other body functions.
How I Found Myself in a Stranger Family’s Car One Summer Worknight
These things, I later realized, do happen in real life.
There I was, in the front seat of a car whose owner is a family I have never met till under an hour earlier. We were going I-did-not-know-where, in search of an internet shop that served midnight customers. The father drove, the mother asked questions, the two kids stared at me while I told fragments of my life to complete strangers. What was I thinking? I wasn't.
He Who Never Sleeps
His is the rightmost chair on the last row. It has always been his, regardless of classroom, class size, subject or time of day. During the first couple of weeks every semester, he makes it a point to arrive in class before everyone else, that by the end of the first month, nobody dares to contest his territory. Everyone knows: the seat belongs to he who never sleeps.