Ronibats.PH Stories of a Filipino neurosurgeon, teacher, and writer

Ang Pinakamahalagang Tanong Tuwing Check-Up

A

“Anong kuwento mo sa akin ngayon?”

“Ga-graduate na po ako, Dok. Sa wakas.”

“Talaga? Anong course mo?”

“Marketing po.”

At naalaala mong nakiusap siya at ang kanyang Nanay noon na maoperahan na agad, sapagkat nanlalabo ang kanyang mga mata at nahihirapan siyang makapag-aral.

“Sige, takpan mo ‘yung kanang mata mo. Ilan ito?”

“Isa po, Dok.”

“Eto?”

“Dalawa.”

Habang sinusuri mo ang kanyang paningin, hindi mo maitago ang iyong ngiti sapagkat ang panlalabo sa tagiliran ng parehong mata ay halos wala na.

Kasama niya ang kanyang Nanay, na siya ring nagbantay sa kanya at nag-asikaso ng lahat ng kailangang asikasuhin nang siya ay operahan. Ikinumpara mo ang bago sa lumang MRI, at ipinakita sa mag-ina ang parte ng utak kung saan dati’y may bukol na umiipit sa mga ugat galing sa mata.

“Sana makapagtrabaho na po ako. Para makatulong na po ako sa mga magulang ko.”

“Oo naman, puwedeng-puwede ka nang magtrabaho niyan.”

Nagpayo kang ulitin ang MRI sa susunod na taon, pagkatapos ay binati ang iyong pasyente ng “Congratulations!” na sinuklian naman ng imbitasyong dayuhin mo sila sa Pampanga.


 

“Anong kuwento mo sa akin ngayon?”

“Wala po,” sagot ng siyam-na-taong gulang na bata.

“Wala? Anong ginagawa mo sa bahay?”

Tuluy-tuloy ang iyong pagtatanong habang dahan-dahan at isa-isang tinatanggal ang mga tahi sa kaliwang bahagi ng kanyang ulo. Sa ganitong paraan, natuklasan mong naliligaw ang pansin ng mga bata, naiiwasan ang iyakan, at napadadali ang iyong gawain.

“Natutulog lang po.”

“Natutulog ka lang?”

“Opo. Tapos kumakain.”

“Anong kinakain mo?”

Tumingin siya sa kanyang mga magulang at nagtanong sa Ilokano, “Ano nga sa Tagalog ang saluyot?”

Hindi mo mapigiling mapatawa.

“Talaga? Kumakain ka ng saluyot?”

“Opo.”

“Paborito mo ba ang saluyot?”

“Opo.”

Mabuti pa ang batang ito, kumakain ng gulay. Natuto ka lang kumain ng gulay nang ikaw ay nagkaedad na.

“Madami pa rin ba siyang iniihi?” tanong mo sa Tatay.

“Marami rin naman po siyang naiinom, Dok.”

“OK po, basta dapat lagi po kayong may nakahandang gamot sa bahay.”

Sa Ilocos Norte pa sila uuwi at sa susunod na buwan pa ang kanilang check-up. Gusto mong makasiguradong walang magiging problema, sapagkat naging mahirap ang operasyon at ayaw mong masayang ang lahat dahil lamang sa komplikasyong maaaring maagapan.

Magpa-Pasko noon nang pangakuan mo ang mga magulang na ooperahan ang kanilang anak. Higit tatlong buwan din ang kanilang paghihintay. Kung alam lang nila na ilang gabi rin ang iyong ginugol sa pag-aaral ng mga CT scan at MRI ng kanilang anak, upang masigurong ligtas ang iyong magiging operasyon.

Ikinalong mo ang bata at kayo ay nag-selfie, nag-uumapaw ang galak dahil naging maayos ang lahat para sa batang mahilig sa saluyot.


 

“Anong kuwento mo sa akin ngayon?”

“Niloloko ko po ‘yung isang kaibigan ko na hindi ko siya naaalala.”

May kahalong ngisi ang sagot, na para bang nahihiya at naaaliw nang sabay sa kanyang munting kalokohan.

“Ha? Bakit mo naman ginagawa ‘yun?”

“Wala lang po, gusto lang namin gawin ng isa pang kaibigan ko.”

Noong nakaraang buwan lang, siya ay agad-agad na inoperahan dahil nagdugo ang kanyang malaking bukol sa utak. Muntik na siyang mauwi sa coma, at noong mga panahong iyon, hindi mo maipangako sa kanyang mga magulang na siya ay muling gigising, o kung muli pa niyang maigagalaw ang kanyang kaliwang kamay at paa. Ngayon, heto siya at nagagawa nang biruin ang mga kalaro. At hindi basta-basta biro, kundi isang matalinong pagbibiro.

Nagsisimula pa lang na tumubo ang mga buhok sa ulo ng iyong pasyente, na napagpasyahan mong kalbuhin nang siya ay operahan sapagkat mas lalong masagwa kung mag-iiwan ka ng kakaunting buhok habang ang kalakhan ng ulo ay inahit at tinapalan ng gasa. Mas madali ring mag-alaga ng buhok na sabay-sabay tumutubo, iyan ang laging sinasabi sa iyo ng mga bantay.

Kung ikaw man ang kawawang kalaro, makita mo pa lang ang kalbong anit ng iyong kaibigang naoperahan sa utak ay maniniwala ka na agad-agad na ito ay mayroon ngang amnesia.


 

“Anong kuwento mo sa akin ngayon?”

“Nakakapaglakad na po ako, Dok.”

“Nag-Top 9 po ako sa klase ko.”

“Dok, naaalala ko na paisa-isa ang mga recipe ko.”

“Gusto ko na po uling makapag-dive, Dok. Hinahanap na ako ng mga katrabaho ko.”

“Mag-isa lang akong nag-commute ngayon (papuntang ospital). Kaya ko na, Dok.”

Napakaraming iba’t ibang sagot sa isang napakasimpleng tanong. Sayang at ngayon mo lang natuklasan ang kapangyarihan ng tanong na ito, tuwing ikaw ay tumitingin ng mga pasyenteng nagfo-follow up sa clinic.

Sa humigit apat na taong paninilbihan mo sa pinakamalaking pampublikong pagamutan sa Pilipinas, ito ang tanging tanong na nagpapaalaala sa iyo na ang mga pasyente, sa harap ng kanilang mga karamdaman, ay naghahangad lamang na maibalik ang dating sigla ng kanilang buhay.

Napansin mo ring sa pamamagitan ng tanong na ito, naipararamdam mo sa iyong mga pasyente at kanilang mga pamilya na sila ay importante. Hindi bale nang magbiyahe sila ng anim na oras at maghintay ng tatlo pa, habang tinitiis ang gutom sa mahabang pila sa loob ng mainit na gusali, basta’t makita ka nilang handang-handa makinig sa kanilang gustong sabihin, importante man o hindi, may kinalaman man sa kanilang karamdaman o wala.

Sa halip na “Masakit pa ba ang (parte ng katawan) mo?” bilang pambungad, ang pakikinig sa kanilang mga kuwento ang nagbibigay sa iyo ng lakas upang patuloy na mag-aral, magsilbi,Β magpuyat, magpakapagod, at magsumikap sa bawat araw.Β Ano kaya ang ikukuwento ng iyong mga pasyente bukas?

About the author

Ron Baticulon

Ronibats is a pediatric neurosurgeon, teacher, and writer. In 2018, he won a Palanca award for the title essay of his first book, "Some Days You Can't Save Them All," published by The University of the Philippines Press. You can follow him on Twitter @ronibats.

38 comments

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

    • I am totally in awe of this doctor because he seems to have that instinctive knowledge that the person is way way bigger than his illness. It’s amazing how a simple question “anong kwento mo ngayon” could restore people’s dignity. – – Cris

  • Madalas po naririnig ko po kayo pag nakikipag-usap kayo sa mga pasyente kapag rounds sa ward sa umaga. Napapangiti nga ako pag naririnig ko po kayong nakikipag-kwentuhan sa mga pasyente. Lagi nga po kayong ibinibida sakin ng mga pasyenteng handle ko na pasyente niyo rin πŸ™‚

  • Sa totoo lang ang una kong naisip na mahalagang tanong ay “magkano?”. Hehe
    Pero di hamak na mas walang katumbas na presyo ang kaligayahang naidulot ninyo sa inyong mga pasyente. Wala ako sa larangan ng medisina pero gusto ko talagang maging medyo kagaya mo hahah. Kahit medyo man lang :p

  • Kahapon doon sa karinderia Morong Bataan ay nagkataon naman na meron kaming nakasabay na grupo ng siklista na na naguusap tungkol sa mga courses na kinuha ng mga anak nila. Iba’t iba ang mga kurso sa ibat ibang prestihiyosong paaralan. Pataasan ng ihi kumbaga. Isa lang ang kumuha ng atensyon ko, sabi ng isa “gusto kong maging doktor at espesyalista sa Internal Medicine ang anak ko kasi kapag NeuroSurgeon ay walang inter aksyon sa pasyente. Papasok lang sa operating room ang NeuroSurgeon para mag opera then wala na silang pakialam sa pasyente nila!” na agad namang sinang ayunan ng mga kasama nya.Gusto ko sana makisabat pero paalis na sila.

    Obviously hindi ka nila kilala Doc. πŸ™‚

  • Maswerte pa rin ang mga Pilipino dahil may isang ronibats sa PGH. Mahirap ng makakita ng isang magaling at mabait na doktor sa panahon ngayon – lalong lalo na sa pampublikong ospital sa Pilipinas. πŸ™‚

    • It’s a privilege to be able to train in the largest neurosurgical center in the country. The best we can do is to serve with utmost diligence and compassion πŸ˜‰

  • if i’m not mistaken, kilala ko din si batang mahilig sa saluyot. πŸ™‚ Nag follow up na siya, sir. And she’s as bibo as before. πŸ™‚

  • Doc, naniniwala po ako na ang kagalingan ng isang pasyente ay nakasalalay din hindi lang sa kagalingan ng kanyang doktor kundi sa mabuting pakikitungo rin nito. Bilang isang Lupus patient po sa loob ng halos 17 taon, marami na po akong na encounter na mga doktor at hindi pare pareho ang pakikitungo nila pero sa ngayon po ay napakaswerte ko sa 2 doktor ko dahil hindi nila ako tinuturing na basta pasyente lang na pagkakakitaan. Malamang po ay kilala mo rin sila. πŸ™‚ Mabuhay ka po Doc!!!

  • I thought it’s gonna be like a Canterbury tales’ story. Anyway, still a nice article πŸ™‚ People will always come and go in our lives but we never know the impact that we gave them when we once touched their lives even just a single moment. Continue your goodness Doc, you never know the number of people you have given hope πŸ˜‰

  • Gusto ko ring maging doktor kagaya niyo at gusto ko rin sa UP mag-aral. Gaya niyo, gusto ko ring malaman ng mga pasyente na ang mga doktor ay may malasakit din. πŸ™‚

    PS: Inabangan ko yung replay ng KMJS na kasama yung feature tungkol sa pamilya niyo! Inspiring talaga. Telegenic pala kayo, doc. πŸ™‚

  • Hi Doc! Magaaral palang ako ng medisina ngayong June pagkatapos ng maraming taon na iginugol ko sa pagiging isang nars. Bakit ko gusto maging doktor kung meron naman akong pagkakataon na umalis nalang ng bansa at kumita ng mas malaki. Ginusto ko maging doktor kasi gusto ko din po. Hindi pinilit ng mga magulang, hindi dahil sa wala na akong choice, kundi kasi wala na akong makitang ibang dahilan kundi ang maging isang instrumento ng pagbabago. Gusto ko din doc maging Neurosurgeon kahit hindi ako kasing talino mo at hindi ako katulad mo po na Valedictorian πŸ™‚ Habang may ganyang mga doktor at habang andiyan ka po ay sisiguraduhin ko na balang araw sana masundan ko ang yapak mo at magkaroon ako ng pusong kasing tibay at lupit ng sayo. πŸ™‚

  • You’re very thoughtful towards your patients. May the Lord guide you every day as he use you as his instrument of touching other people’s lives! πŸ™‚ God bless Doc! πŸ™‚ Continue serving our country! πŸ™‚

  • Doc Roni…. Gud pm. It’s me.. Remember me Doc…. The multiple shunt revision boy.
    .. two weeks ago, nag shunt malfunction na nman ako. After 8 yrs…. sumuko na ung pang 5 na shunt k. And that’s already my pang 6X na operation sa ulo na nman…. kala k tuloy2 na pag galing ko…. bakit ganun ba tlga buhay ng may shunt?? may pag asa pa ba na hindi na ako maoperahan?? To be honest, ayaw ko na po tlga dapat magpa opera, sobrang dami ng butas ng ulo k…. Down na down na nman ako sa sarili k ngayon…. As of now din, nag meMedicine na din po ako 1st year somewhere Valenzuela…. pero un nga, after almost 3 wks,
    nangyari ang di inaasahan. Ang pag aantay ko ng almost 3 yrs na makapasok sa Medicine, e2 nman naging kapalit….. almost 1 wk lng din ako nagpa confined, and now balik skul na k ulit, eventhough hindi pa ntatanggal ang tahi sa ulo at tyan….. I’m just worried kung hanggang kaylan na nman ba itatagal ng shunt k, lalo na ngayon bagong site ung new shunt k. As of now din, pinipilit ko maghabol sa skul…
    ayaw ko din kc ma overload ng gawain at hahabulin sa klase… Do I have still hope in my future?? kakayanin ko pa kaya sa MedSchool?

    • Hi Romer! It’s really difficult to be in your situation, but unfortunately, I cannot give you any assurance that this will not happen again. I suggest you discuss your options with your neurologist and your neurosurgeon. But there is always hope. All the best on med school.

  • Hi! Doc,

    Very inspiring naman ang nabasa ko tungkol tungkol sa inyo doc, di sinasadya na napindot ko ang site nyo, madaling araw na po kase e hindi ako makatulog……gusto ko lang pong iparating sa inyo na humahanga ako sa magandang pagpapalaki sa inyo ng magulang nyo, may tao pa palang katulad ninyo, pag punta ko po ng pgh hahanapin ko kayo at para makapag pa picture hehehe, may new idol kahit hindi ko pa kayo kilala. Pagpalain po sana kayo ni lord para marami pa kayong matulungan.

  • A doctor who really cares for the well being of his patients.
    You remind me of Juan Flavier. And I kid you not!

    You inspire us all. That is the honest truth.

    AnitoKid

  • Nakakatuwa naman po kayo. May mindset po kasi ako na kapag public/government hospital ang susungit ng mga doktor lalo na sa mga mahihirap. Minsan nang-iinsulto pa. Alam naman po nilang karamihan sa mga ito’y hindi naman nakapag-aral. Minsan tuloy kahit may gustong i-open ang pasyente natatakot tuloy. Sana marami kayong maimpluwensyahan. Kudos to you Dok Ronnie!

  • I was in 7th grade(im in 9th grade now) when i told myself that i want to be a doctor someday to be able to buy my own audi, lol. But few weeks ago our values teacher told us that she will interview each of us(my classmates and i) about our dream profession just like we’re in a real job interview. I chose being a doctor, neurologist(just like you) to be exact. Then my close friend told me if she can ask me possible questions then i said yes because she looks so confident that she will be hired (malay natin mahawahan ako ng confidence niya) and i know that this will lessen my nervousness. After she asked me questions and told me some tips our teacher told her to come inside the room. When she went back outside she told me the things that our teacher asked her. One of the questions is “You are very fit into the job you are applying for(chef), but is it okay if we will hire you as a waitress because it is the only vacant position we have? ” then my friend said “Of course, i dont mind if you cant give me the job that i want. Being a waitress is fine with me because its not the job position that is important, it is the objcetive that matters. Cooking is my passion, but i think it is good to explore things outside your comfort zone.” By those answers, she was hired. Then when its my turn this was the conversation:

    me: *greets *
    ma’am: *said something like a reply in my greet* So you are?
    me: Im Airell Mangeron
    ma’am: Ai..r.(acts like she dont know how to pronounce it- she is my teacher for two years tho)
    me:*teaches how to*
    ma’am:so what position are you applying for?
    me: im applying for the position of a junior doctor ma’am
    ma’am: junior? why not senior?
    me: (i didnt expect this question, i only copy pasted the resume!!!) Im a fresh graduate ma’am and i know what are my capabilities as a professional. Knowing that im new to this, i dont want to be greedy. I want to start from the bottom to know the basics and step by step, improve myself.
    ma’am: *nod* you went in st. luke’s and medical city for you ojt, why dont you choose them as your first job as a doctor?
    me: im looking for some improvement in myself, i dont want to stick in a place that i already mastered and sometimes i want a bit of challenge. just like what i did in college, my parents preferred me to study in letran where i finished my high school but i chose the one which is a bit far from our home and i explained them about how i see myself in the future. How can i see myself in caring for other people like how i care for myself. And then they approved me because they know that i cant see my self with the different profession someday
    ma’am: are u informed that the position you are applying for is located in the farthest province you can imagine?
    me: yes ma’am, i know that. Sacrifice is part of this profession. Being a doctor means to serve other people and to use the knowledge you gained in your 7(if you’re in Intarmed) or more years of education. I know that my parents are also open to the idea that someday their youngest daughter will leave her innocence in the door of our house because she is young enough to stand on her own and to fulfill her dream to do the best that she can in serving other people.
    ma’am: *few seconds of silence* do you know that you need to pay us in order for you to have a clinic in our hospital? and sometimes dehado ka pa?
    me: i study medicine not earn millions each year, but to help millions. As long as i can help as may people as i can then its fine with me.
    *few discussions about the profession*

    and then after the interview i was really sure why i want to be a doctor…

    ps. i was moved by your blogs, very inspiring. God Bless πŸ™‚

    • Doc, sana makilala ko ikaw. May tiyuhin akong doctor, nakatapos sya sa pagsisikap ng lolo (tatay nya) na isang security guards sa UST at lola (nanay nya) na isang maybahay. Nabasa ko ang kwento ng “5 valedictorians”….. nakaka-tuwa at nakakapag-bigay inspirasyon. Dr. Crispin Linantud, Jr. ang pangalan nya, katulad mo isa rin syang matalinong mag-aaral, masikap, matyaga, mabait at ang dagdag nya – gwapo raw sya.

      Nawa ay dumami pa kayo! God Bless, po.

  • Hello.. I just stumbled upon your blog while doing research on building rapport and communication with patients.

    Nagustuhan ko po yung istilo nyo ng pag communicate sa mga pasyente nyo sir. Instead of the “chief complaint” style na tinuturo sa atin sa med school. Pangtanngal sa gap between doctor and patient.

    Matanong ko lang po, dahil sa dumadami na na pasyente na magpakonsulta ngayon sa ER at OPD, paano po makabuild pa ng rapport with more patients in a shorter amount of time? Or is this still the same skill na kailangan lang e master para maging efficient?

  • “Ano na po ang kwento nyo ngayon, Doc?”

    Sana sumulat uli kayo. Binabalik-balikan ko ang inyong blog at inuulit-ulit basahin ang mga artikulo kung walang bago. Di nakakasawang basahin ang mga ito. At sa tuwina’y nagbibigay inspirasyon.

    Patuloy na maghihintay sa mga bagong artikulo dahil tiyak may mga bagong aral, inspirasyon mula sa mga ito.

Ronibats.PH Stories of a Filipino neurosurgeon, teacher, and writer

Facebook

Twitter