Ronibats.PH Stories of a Filipino neurosurgeon, teacher, and writer

Dalawang Tanong na Hindi Ko Kinalilimutang Itanong sa Aking mga Pasyente (o sa Kanilang Pamilya)

D

Humigit-kumulang walong taon na akong nakikipag-usap at nagpapaliwanag sa mga pasyente ng pinakamalaking pampublikong ospital ng Pilipinas. Bilang medical student noon at neurosurgery resident ngayon, natutuhan kong dalawang tanong ang pinakaimportante sa lahat.

“Ano po ang pagkakaintindi n’yo sa sakit ninyo?” (o “Ano po ang pagkakaintindi n’yo sa sakit ng pasyente ninyo?)

Madalas tayong magalit sa ating mga pasyente dahil tila hinihintay muna nilang lumala ang kanilang mga sakit bago kumonsulta sa doktor. Ang palagi nating bukambibig, “Bakit ngayon lang po kayo nagpunta sa ospital?”

Hindi natin maintindihan kung bakit dalawang taon na palang inuubo, saka lang susugod sa emergency room kapag nakita nang may halong dugo ang plema. Malaki na pala ang ulo noong isinilang ang bata, hahayaan pang lumaki nang lumaki at saka lang dadalhin sa clinic ang anak kapag nagkaroon ng lagnat. Limang taon na pala mula nang payuhan ng doktor na ipatanggal ang bukol sa leeg, saka lang mangungulit na magpaopera kapag hirap na hirap nang humugot ng hininga.

Sadya raw kasing matiisin ang pasyenteng Pilipino. Hangga’t hindi naghihingalo, titiisin at titiisin ang nararamdaman. Kung hindi man matiisin, matigas ang ulo.

Pero mayroon ba talagang pasyenteng gustong magkasakit? Mayroon ba talagang gustong lumala ang sakit ng mahal sa buhay?

Kadalasan, nawawala sa isip nating maliban sa iilan, hindi naman nag-aral ng medisina ang ating mga pasyente at ang kanilang mga kapamilya. Bago natin sila pagsabihan (o pagalitan), dapat muna nating isipin:

Naiintindihan kaya niya kung ano ang sakit niya, at kung ano ang maaari nitong idulot sa kanya kung wala siyang gagawin para lunasan ito?

Naiintindihan kaya ng mga bantay na maaaring mamatay ang kanilang pasyente? Na hindi makatutulong kung tatayo lang sila sa tabi ng kanyang kama at iiyak, sa halip na kikilos at maghahanap ng perang pambili ng gamot at gamit sa operasyon?

Kailangan nating tiyakin na ang ating ipinaliwanag ay naintindihang mabuti ng ating kausap.

Kung hindi kayang ipaliwanag ng aking kausap kung ano ang kanyang sakit, isa lang ang ibig sabihin noon. Hindi niya ako naintindihan; malamang ay may pagkukulang sa aking pagpapaliwanag (o kung sino man ang unang doktor na nagpaliwanag sa kanya), kung kaya’t hindi niya nakikita ang halaga ng kung ano mang payong pangkalusugan na manggagaling sa akin.

Mahirap sumunod ang isang taong hindi nakakaunawa. Nakamamatay pa naman ang maling akala, lalo na sa medisina.

“May tanong pa po ba kayo?”

Nakagawian ko nang tapusin ang bawat pakikipag-usap sa pasyente o bantay gamit ang tanong na ito. Mahiyain din kasing magtanong ang pasyenteng Pilipino. Kailangan pang pilitin, kilitiin, o kulitin. Tanging ang tanong na ito ang nakapagpapalabas ng mga pangamba at pagdududa na maaaring makasagabal sa ating paggamot sa ating mga pasyente.

Ang mga kadalasang tanong:

  • “Dok, puwede na ba akong kumain?”
  • “Dok, puwede na ba akong maligo at mag-shampoo?”
  • “Dok, magkano po ang aabutin ng lahat ng gastos?”
  • “Dok, hindi po ba puwedeng resetahan na lang siya ng gamot para hindi na operahan?”
  • “Dok, kung kayo po ang nasa lagay namin, ipaoopera niyo pa po ba siya?”
  • “Dok, hanggang kailan pa po ang itatagal niya?”
  • “Dok, may pag-asa pa ba akong gumaling?”

Dito natin naaalaala ang mga bagay na nakalimutan nating ipaliwanag, marahil dahil sa pagod o bugso ng damdamin at sa dami ng iba pang pasyenteng iniisip.  Natutuklasan natin ang mga bagay na hindi natin inakalang interesado pala silang malaman. Higit sa lahat, dito tayo nabibigyan ng pagkakataong iparamdam ang ating pakikiramay  sa ating mga pasyente at kanilang pamilya. Hindi awa, kundi pakikiramay.

Kung hindi man sila agad makapag-isip ng mga tanong, ang lagi kong sinasabi, “Sige po, pag-usapan muna ninyong magkakamag-anak. Kung may maisip kayong tanong, dadaan naman po ulit ako bukas (o mamaya, o bago siya operahan).”

Para sa ating mga estudyante o manggagamot, masarap ang pakiramdam kapag nakuha natin ang tamang diagnosis ng ating pasyente, lalo na kung ang kanyang sakit ay kakaiba sa mga kadalasang nakikita. Nakaka-“high.” Pero hindi tayo dapat magtapos sa pagbanggit ng diagnosis at pagbigay ng reseta. Hindi sapat ang “May high blood ka. Eto ang gamot na iinumin mo,” pati na rin ang “May namuong dugo sa loob ng ulo niya. Ooperahan na natin siya. Ngayon na.” Ang pinakamahalagang hakbang sa paglunas ng sakit ay ang pagpapaintindi sa pasyente ng kanyang karamdaman.

Hindi natin sila kayang pagalingin lahat. Pero lahat sila, kaya nating tulungan maliwanagan.

About the author

Ron Baticulon

Ronibats is a pediatric neurosurgeon, teacher, and writer. In 2018, he won a Palanca award for the title essay of his first book, "Some Days You Can't Save Them All," published by The University of the Philippines Press. You can follow him on Twitter @ronibats.

30 comments

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

  • “Ang pinakamahalagang hakbang sa paglunas ng sakit ay ang pagpapaintindi sa pasyente ng kanyang karamdaman. Hindi natin sila kayang pagalingin lahat. Pero lahat sila, kaya nating tulungan maliwanagan.”… nice =)

  • It exasperates me when I encounter patients na nagpapacheck-up naman pero wala silang idea kung anong meron sila. They just know their meds. Kaya ngayon nag-eeffort na talaga akong mag-explain until maintindihan nila. (Salamat UPCM sa mga patient education part ng OSCE at orals.)

    Nice post Ronnie. I was mentally nodding my head while reading.

    • Much of this article comes from my experience securing consent for surgery. Pero tama, sa OPD, mare-realize mo yung mga pasyente, balik nang balik pero hindi naman nila alam kung bakit sila nagfo-followup. Minsan kasi, dahil sa dami talaga ng pasyente, ang hirap silang paliwanagaan lahat. Pero it shouldn’t be an excuse. We should at least exert effort to do something about it. Biruin mo, gumigising sila nang maaga, nagco-commute nang malayo, nagtitiis sa gutom. Thanks Alikoy! 🙂

  • i do have the same sentiments. when i ask for consent, these are the same questions i get and these are also the same questions i finish my interview with. hope this helps other medical employees (not just doctors and budding-doctors) to realize the hardships that our patients (atleast in PGH) go through just to be seen. great article sir ron!

    • Many patients undergo surgery without even knowing the risks of the procedure. Kaya kapag nagkaroon ng complications, yari na, kasi hindi ready yung family. Thanks Jafer! Kita-kita na lang sa OR!

  • Naku, ang dami pa namang doktor na parang nagmamadali lagi pag nagpapacheck up ka. 🙁

    Parang walang time makipagusap saio or kumo-quota lang. Lalo na yung sa mga medical clinic. Bakit kaya ganon? Kawawa naman mga pasyente…

  • naalala ko tuloy ung surgeon ko sa mmc. kahit dko sya tinatanong kung magkanu aabutin ng operasyon at pagpapa-ospital, sya na mismo nagsuggest na kumuha ako ng room na hindi mahal ang rate kasi daw, kahit bulak ng ospital nakabase ang presyo sa kwarto ng pasyente. para daw ma-maximize ko ang healthcard benefits ko.

    muntik nko maiyak kasi naramdaman ko talaga ang concern nya, at ung tinuran nyang un ang nagtanggal ng huling hibla ng pagdadalawang-isip ko na magpaopera.

  • saw one of your articles shared on fb, has been a follower since. as a nurse, i only know a handful of doctors na talagang nakikisimpatya o nakakaisip manlang makisimpatya sa pasyente nila. most of them especially the “old school” ones, kinaclaro muna ang kakayahang magbayad ng pasyente nila. mabuhay ka doc 🙂

  • So true. Even as a practicing physician I should always remind myself re these important questions. I always tell our students that to explain and make sure the patient understands her disease and the treatment. In our hospital, sometimes you come across patients being treated for years yet they don’t know their disease.

    • you are “the” doctor on earth that we need..
      can we visit you? where & what’s your schedule..
      favor please reply direct to my e-mail..
      many many thanks to you..

  • I couldn’t agree more. My health condition got worst not because I was born to be hardheaded. The first time I felt a strange pain at my lower back, I consulted immediately to a specialist did some lab test asked for then received prescription which all pain reliever. Then the pain recurred after taking all those meds. I was persistent to get cured but all the same and the same. After two years, I could hardly walked went back to the specialist and was diagnosed of gout. Bought meds given even the price was beyond my paycheck. Follow up chek-ups . My conditioned gor improvement but still i was like” kuba” when walking and I have to stand slowly and slowy straighten my back to normal position but still obvious of not having normal stand posture. I still went to the doctor until recenntly I quit. Got to another specialist actually the third doctor whom I have referred my case hoping to get answer for total recovery……I COUDN’T AGREE MORE..MAHALAGA NA TAMA ANG DIAGNOSIS…I ADMIRE AND APPRECIATE THE HEART OF A DOCTOR THAT YOU HAVE….aparently it’s important that doctors have to explain to the simplest to their patients regarding the illness they have….I’ve learned my lesson to take down all necessary questions i wanted to get answer from doctors everytime i go for consulation..somtimes some doctors just prescribe medicine how and when to take it and that’s it…….good the heaven sent a doctor like you….may your tribe increase….long live..

  • I appreciate doctors who really empathize and take time to explain to their patients and making sure patients understand. Im the type pa naman of px na very inquisitive, I only hope all doctors would welcome all queries kasi merong naa-annoy and will make px feel na nagmamarurunong.

  • napakagaling mo dok! totoo lahat ng sinabi mo, sana lahat ng doktor kagaya mo na naiisip ang nararamdaman ng pasyente. yung ibang doktor parang galit pa kapag tinatanong sila tapos halata na naiinis at nakukulitan na kaya ang pasyente “oo” na lang ng “oo” kahit hindi naman niya maitindihan ang sinasabi ng doktor. Sana yung mga doktor may pusong katulad ninyo na intindihin ang pasyente hindi yung parang laging nagmamadali. idol ko na kayo dok!

  • Reading your blog is restoring my faith to doctors. I lose it when my father was confined to different hospitals because of lung cancer. I thought they are all money grabbing androids.Unlike you. Very human. A true doctor!

  • Gusto ko yung sinabi mong dapat ipaintindi sa pasyente yung sakit nila at kung ano ang maaaring maidulot nito sa kalusugan nila. Madalas na hindi napapaliwanag ng mga doktor ang sakit ng mga pasyente dahil sa tingin nila ay hindi naman na kailangang malaman ito ng pasyente dahil kailangan lang gamutin at wala na. Maaaring ayos lang sa iba pero naniniwala ako na dapat magtulungan ng mga doktor at pasyente upang mapabuti ang lagay nito at nang matulungan ang kanyang sarili.

  • Hi doc, i like this post ??
    One thing I abhor about doctors when they are not that curious or inquisitive about the case of a patient. I mean, I have known and witness how some doctors quickly diagnose a patient by just inspection and later on, their suspected disease is not really the major problem. For example po, yung nagpa bp, pag highblood bigay agad ng resita tas tapos na. I always have this feeling that they are always in a hurry or maybe they are not that interested. Like what I experience, after telling and showing my ailment, they would already give prescriptions. And when I tried to ask things related to it, they wouldjust respond a one liner answer; whats worse is how I felt that they are annoyed about my questions. Marami pa sana ako gustong sabihin non kasi may iba pa akong karamdaman and I hate self medicating. Pero they cut me off.
    I just hope fuure doctors would have the same spirit as yours, compassionate and understanding.
    Thaks for this post, its a good

  • Noon bata ako, nasi kong maging duktor pero hindi ko ito natupad. Nais kong purihin ka sa iyong napabuting kalooban (compassion)sa iyong mga pasyente. Iyan ang nararapat na karakter ng mga duktor. Bihira sa ngayon ang compassion at pag unawa sa bawa’t isa.

    God bless your kind heart!

  • Galing naman!

    You are very compassionate.

    Mahirap talaga magtanong kapag naka harap ng doctor. In my case, I always prepare in advance the questions to be asked before I consult my doctor but during the actual consultations hindi ko rin matanong lahat.

    You have a good heart. Keep it up Doc.

Ronibats.PH Stories of a Filipino neurosurgeon, teacher, and writer

Facebook

Twitter