Ronibats.PH Stories of a Filipino neurosurgeon, teacher, and writer

Kung Paano Ako Mag-aral Noong Ako ay Nasa Med School

K
  1. Hindi ako nagha-highlight ng libro at transcription. Nadudumihan ako sa mga pahinang ginagawang coloring book ng mga kaklase ko. Sinubukan kong mag-highlight noong first semester ng first year med proper; hindi epektib kasi kailangan ko pang isipin kung kailangan ba talagang i-highlight ang gusto kong i-highlight, at hindi ako makapili kung anong kulay ang gagamitin.
  2. Hindi ako nagno-notes habang nakikinig sa lecture. Hindi ko kayang magsulat at makinig nang sabay, kaya nakikinig na lang ako. Pagdating ng exam, inaalaala ko ‘yung lecturer habang ipinapaliwanag kung ano ang kasalukuyang itinatanong.
  3. Hindi ako nag-aaral nang gutom o inaantok. Kung kailangang kumain o umidlip muna, ginagawa ko. Kung hindi, wala ring papasok sa utak ko kundi cheeseburger at si Sandman.
  4. Hindi ko kayang mag-aral sa coffee shop. Nauubos ang oras ko kasisilip sa mga taong pumapasok, bumibili ng kape, at lumalabas. Hindi rin ako umiinom ng kape dahil umaasim ang aking sikmura.
  5. Hindi ko rin kayang mag-aral sa library. Napapraning ako kapag naririnig kong mas mabilis magbuklat ng mga pahina ang mga katabi ko, at napapraning din sila kapag mas mabilis akong magbuklat ng mga pahina sa kanila.
  6. Kaya nag-aaral ako sa kuwarto, nang nakahiga sa kama. Kapag nakatulog, eh ‘di tulog. Kapag nasa kuwarto ang roommate ko, lumilipat ako sa couch sa sala. Kapag siya ang nasa sala, ako ang nasa kuwarto. Autistic talaga ako kapag nag-aaral.
  7. Mas gusto kong magbasa ng libro kaysa mag-memorize ng transcription. Hindi bale nang hindi ko makuha ang ilang puntos dahil hindi ko kabisado ang transcription, basta’t alam kong naintindihan ko ang dapat kong maintindihan pagkatapos ng exam. Ngayon, ang mga bagay na alam ko at ginagamit ko araw-araw bilang doktor at neurosurgeon ay ang mga bagay na natutuhan ko dahil binasa ko sa libro. Matagal ko nang nalimutan ang mga kinabisado kong transcription.
  8. Gumagawa ako ng sarili kong mnemonics. Hindi ako nakikigamit ng mnemonics ng iba dahil hindi ko sila naaalaala kapag mismong exam na. Mas nakakatawa at mas malapit sa sariling karanasan, mas madaling tandaan.
  9. Kailangan kong mabasa nang dalawang ulit ang lahat ng kailangan basahin bago mag-exam. Ang unang pagbabasa ay para sa pag-iintindi. Ang pangalawang pagbabasa ay para sa pagsasaulo. Kung may oras pa, saka lang ako sumasagot ng mga sample exam.
  10. Hindi ako naniniwala sa cramming. Bago ang exam, makikita mo akong natutulog na lang sa silya ko. Ang hindi ko natutuhan sa loob ng dalawang linggo, hindi ko matututuhan sa loob ng tatlumpung minuto.

Ang nagsulat nitoΒ ay nagtapos ng Doctor of Medicine, cum laude, mula sa UP College of Medicine.

About the author

Ron Baticulon

Ronibats is a pediatric neurosurgeon, teacher, and writer. In 2018, he won a Palanca award for the title essay of his first book, "Some Days You Can't Save Them All," published by The University of the Philippines Press. You can follow him on Twitter @ronibats.

42 comments

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.

    • Hindi talaga Danni. Pag nagha-highlight kasi ako, nagiging complacent din ako. Feeling ko alam ko na yung na-highlight ko, kahit hindi naman pala. Tsaka madumi talaga tignan ang trans na maraming kulay. Haha.

  • To each his own. πŸ™‚
    When my students would ask me how I did it, I’d tell them but also warn them it might not work for everybody. Most of the time, I would ask them how they work best, and give suggestions.

    But still, tips are tips, and i’m sure your “fans” are very much willing to try all of them. πŸ™‚
    Kudos to you Ronnie! Keep it up.

    • I agree. Kaya lagi ko ring sinasabi sa mga board review students ko nun, your best preparation for the boards was your five years in med school. Use what study habits worked for you during med school. Not a good idea to change methods in the last three months of crunch time. πŸ™‚

      Fans? Hehe. :p

  • Hello doc ronnie!
    Grabe! inspiring tong blog niyo.
    Sana po maka med din ako. Kasi ngayon nahihirapan na ako sa Math at Physics T.T Geol po kasi ako ngayon sa UPD. nung undergrad mo po ba laude ka rin?

  • Hello po.Isa po kayong inspirasyon sa lahat ng medstudents sa Pilipinas!!! Isa po kayong mabuting ehemplo πŸ˜›

    Tanong ko lang po to. Paano po yung daily schedule niyo sa pag-aaral? Ilang oras po ang ginugugol niyo sa pag-aaral at sa mga ibang bagay? May social life pa po ba kayo dati? May tips po ba kayo pag natatambakan na sa dami ng inaaral? Maraming salamat po!

  • Tama po kayo. I’m currently in med school and your study tactics are almost the same as mine although I highlight and study out in a coffee shop. Library is conducive for sleeping lalo airconditioned po ‘yung sa amin. πŸ™‚

  • kanya-kanyang diskarte nga lang yan.
    ako madalas sa coffee shop. dahil sa hype na walang makakakilala sa iyo at wala silang pakialam kahit maghapon kang nakatambay. hindi ka aantukin kasi nakakahiyang matulog sa shop (at dagdag pa ang ingay ng customer, ng barista, ng pagtimpla ng kape – siguradong gising ka).

    madalas tsaa ang order ko, kasi maasim sa sikmura ang kape. at madalas natatapos ko ang lahat ng assignment ko sa coffee shop, sabay shoutout na “I SURVIVED!”

    We have different professions, and we have different styles in studying and reviewing and dealing with assignments, but some things remain the same: THE ZEAL OF PASSING THE EXAMS AND LEARNING A LOT FROM THOSE MISTAKES. πŸ™‚

  • me too…komportble akong mag study sa room..and mas prefer ko na nakahiga..and kung exam day na, natutulog ako while waiting sa proctor…and it worked!

  • I am not smart as you that’s why I’m surprised to have found that some of your study habits also have worked for me. Pag inaantok matulog muna at pagkagising sigurado mas ma-assimilate ko binabasa ko pag gutom kumain. I prefer to study , write, and review alone. I don’t also review in the library, novels seem to catch my attention more than the books I have to read…But one thing I can’t work and review without is coffee but I’ll make sure my stomach is not empty when I take….your an inspiration!!!

  • Same tayo ng study habits except number 1, I tend to highlights for future reference. Natatandaan ko agad kung saang bandang paragraph pag nahighlight ko yung word na mahalaga. =) Idol! Galing. πŸ™‚

  • ang galing mo naman kuya… ako rin, di nag-ha-highlight… parehas tayo ng study habits..
    kapag nag-aaral, gusto palaging mag-isa at tahimik.. πŸ™‚

  • Doc Ronnie, di ko mapigilan magcomment nang binasa ko ang blog na ito. From the point of view of a UST medical graduate:

    1. Ayaw ko din maghighlight ng handouts or libro. Sinasabi ko mga classmates kong multi-colored na ang mga handouts na “Kaya nga handouts, kasi lahat na yan importante.” Sa libro naman, naka bold or italicize naman lahat ng mga importante kaya di na kailangan mag-highlight. Sayang talaga ang oras na ginamagamit sa mga strokes ng highlight.

    2. Kung maiiwasan, ayaw ko din magnotes pero kung kinakailangan, keywords lang. Tsaka ko na lang iniisip ang mga sinabi nya kapag binasa ko ulit ang handouts. Medyo din nakakainis ang mga prof na kusang may hindi linalagay sa handouts para pilitan ka magsulat. (Kaya nga yung nakakainis ang mga blanko sa handouts kasi hindi ka nakakafocus sa lecture, hehe)

    3. Ito ang pinaka-gusto ko, kung ako gagawa ng tips, nasa No. 1 eto. Pag-antok ka na matulog ka na, wala na ding papasok dyan, huwag ka na rin magkape kasi mas lalo ka lang aantukin pag nawala ang epekto. Kaya never talaga ako nag kakape pag-antok since noong high school pa.

    4. Hindi din ako nakakaaral sa coffee shops dahil kapag may kasama ka, magkwekwentuhan lang kayo. Kapag mag-isa ka naman, maingay kahit naka-earphones ka pa. Magastos din sa pera, dahil bibili ka pang pagkain at inumin, sa bahay libre at syempre dahil nakatira ako malayo sa coffee shops, mag-cocommute pa ako, sayang ng oras.

    5. Dito tayo magkaiba Doc Ronnie, nakakaaral ako sa library. Inaamin ko noon sa med school mas madalas ako nag-aaral sa bahay kaysa sa library pero nakakaaral din ako sa mga libraries namin. (May mga pagkakataon lang ngayong board exam review na kailangan mag tipid ng kuryente sa bahay at mag aral na lang sa library. Tahimik at malaki ang central library namin kaya mainam gamitin upang mag-aral).

    6. Nag-aaral din ako sa kwarto, pwedeng nakaupo o nakahiga. Pagnandun roommate ko at manonood siya, lilipat ako sa ibang kwarto. Nung magkasama na kami ng kapatid ko, magkabilaang kwarto kami nag-aaral kasi mas nakaka-aral ako kapag solo ko ang isang kwarto.

    7. Nang binasa ko eto, mas masipag ka po talaga mag-aral, dahil handouts ang preferred study material ko, lalong-lalo na kapag yung mga professors mismo ang gumawa ng handouts. Dun sa mga transcriptions, sinusubukan ko aralin pareho ang libro at handouts nila. Sa mga iilang subjects na after binasa ko ang mga unang chapters para sa unang pagsusulit, at walang lumabas sa binasa ko at mas marami pang lumabas sa β€œsamplex”, yung powerpoint na lang ng lecturer at β€œsamplex”ang inaaral ko. Sa internship narealize ko na mali ang gawain ko na iyon kasi kailangan ko magbasa ng isang chapter kapag may-OR kami.

    8. Magkaiba din tayo dito Doc. Di ako gumamit ng mnemonics nung nag-aaral akong medisina o kaya hinihiram ko ang mga binigay sa amin ng aming mga professors, na masasabi ko hindi ito marami. Noon, naisip ko, mas mahirap pa mag-isip ng mnemonic kaysa sa isaulo ko na lang yan, at sa ganyang pag-iisip di ako gumagawa ng mga mnemonic. Ngayon lang na board exam review ko, na-realize ang kahalagahan ng mnemonic, sa mga ilang impormasyon na hindi ko pa nasaulo o kaya’t nakalimutan.

    9. Dalawang ulit ko din binabasa ang libro o handouts para sa exam. Kapag professor-made handouts, babasa ako sa gabi bago ng lecture at isa pang ulit kapag malapit na ang exam. Sa ganitong paraan, medyo familiar ka na sa subject bago pa ng lectures at ang huling pagbasa, nasaulo mo na. Kapag libro, isa sa weekend at isa sa gabi bagong exam. Nagbibigay talaga akong oras para sagutin ang samplex para at least alam ko kung paano sila magtanong sa subject na iyon.

    10. Hindi din ako naniniwala ng cramming pero ayaw ko din magsayang ng oras, kaya kung may extra time na 30 minutes before exam, mag-aaral pa rin ako.

    Additional:

    11. Binibigyan ko ang sarili ko ng reward kapag maaga ako natapos ng pag-aaral, so nanood akong mga Taiwan telenobela, para may practice pa rin ako mag-Chinese o kaya mga American series. Normally, tapos na ako mag-aral ng 9pm, so isang oras ako nanood tapos matutulog ng 10pm-6am (Sa ngayon, di na ako nakakatulog ng 8 hours at nasanay na sa duty so 6-7 hrs na lang tulog ko everyday habang nag-boboardreview.)

  • Hi! πŸ™‚ I’ve researched online on how hard it is to be a med student, and in one article I’ve read, It said out of 300 medical students only 1 has graduated/succeeded in med school, and they study 12 hours in a day, you have no time for socializing/bonding with friends, all you do in 10 years is to study and study all night and all day, and you have to memorize every single detail? It kind of terrifies me to go to med school cause I may not finish it, memorize tons of things, fail in handling patients, pass exams and all those things. Is it that really hard to be a med student? πŸ™‚

  • Ang lakas nyo po talaga doc. HAHAHAHAHAHA! Grabe. I’m a pre-med student in Adamson University taking biology and this sem break sinimulan ko ang pagbabasa ng mga blogs nyo. The more posts ang nababasa ko, mas lalo po akong nagkakaroon ng lakas ng loob para ituloy ang pagmemed. Astig talaga. Super idol πŸ™‚ Sana po makilala ko kayo sa personal not by a patient-doctor incident but as a co-employee in the same hospital πŸ˜€

  • how do you battle procrastination???

    i feel so unproductive because of this very BAD habit of procrastination.. and it consumes my happiness knowing that it is all my fault. πŸ™

    thank u.

    [i wish i have ur brain] hehehe.. πŸ™‚ thank u

  • wrong question pala yun doc..

    do you procrastinate??? pala ang tama..hehehe.. and my question is.. what is your tip for those students who keeps on procrastinating.. just like. me.. πŸ™

    thank u doc. :)))

    • Tip? Don’t procrastinate πŸ˜‰ Do everything you can as soon as you can. Hindi natatapos ang trabaho sa Medicine. Hehe.

  • No to higlights! Haha Ganyan din po ako magaral except sa 4,5 and 10. Effective sakin ang coffee shop and library, pati na ang cramming haha. Sayang, sana pala sa parallel session nyo po ako umattend kahapon. Nakaka inspire po ang blog nyo ????????????????

  • Doc, ang galing nyo naman. Med student din po ako pero hindi sa UP. Na i-encourage po ako everytime binabasa ko mga sinusulat niyo. Sana ma meet ko kayo in person (hopeful). πŸ™‚

  • I wish I have read this while I was still a student. (I could imagine myself to be more smarter then; regrets aside- I am eager to study and lean more to compensate my mediocrity in my academic years). You are blessed with the gift of soul en-reaching motivation to encourage and inspire people. Looking forward of reading your blog everyday! Godbless and more power!

  • Binookmark ko na po blog niyo, doc. Hmmm. Matry nga rin pong di maghighlight. πŸ˜€ God bless po sa inyo. Thank you po.

  • I cant relate, doc hehe
    Up until now that I’ll be third year medtech next acad year, am still struggling how to study. Mainly because I still resort into memorizing lectures just to pass the exams but the catch is so dismaying knowing that there is no retention at all after the exam. Im just thankful my friends are their to motivate me whenever I needed. They also have influenced me to pursue medicine proper and I look forward to it. But what frigthens me is my disposition when board exam comes because I didnt fully acquired enough knowledge maybe because of my failing or wrong study methods(not habit, haha)
    Hope I find mine and be it my habit ?
    thanks for your post?

  • Thank you sir for giving away your own style of studying. I was very eaten by the internet based information about studying strategies and techniques. Still, our own ways are helpful, I almost forgot my own ways of studying when I was a kid (note: on that time, I was truly learning – the time without the internet as one of the best source of info. today but noon more on books which I think is better, just my insight). Now I remembered how and I’m excited to look back again and apply my methods including your own natural ways.

Ronibats.PH Stories of a Filipino neurosurgeon, teacher, and writer

Facebook

Twitter