Writer ako. Obvious ba? Kaya nga pangalan ko ang nasa by-line ng artikulong ito. Kaya nga hindi ako mapakali kapag may salitang nasa dulo ng dila ko. Kaya nga maghapon na akong nagta-type sa PC ko. Kaya nga may binabasa ka ngayon sa harap mo.
“Really? Writer ka?” Kung ayaw mong maniwala, e ‘di huwag. Basta, writer ako.
Iba’t iba na nga ang naisulat ko e: sanaysay, tula, maikling kwento, blog entries, isama mo na pati ang mga pira-pirasong talatang nagkalat sa My Documents folder ko. Pero hindi naman ako iyong tipong gumagamit ng mga malalalim na salita, high falutin’ baga. Hindi ko naman nais na pagbulay-bulayan ng mga gunam-gunam ng aking mga mambabasa ang bawat kataga ng aking katha matarok lamang ang diwang aking nais ipahayag.
Tapos, kapag nagsusulat ako, attention catching! Iniiwasan ko iyong mga gasgas na quotation ng kung sinu-sinong Poncio Pilato, at iyong mga metaporang wala namang nagagawa kundi guluhin ang mga mambabasa ko. Sabi nga ng ating pambansang bayaning si Dr. Jose Rizal, ang kabataan ang pag-asa ng bayan; kaya’t habang teenager pa ako, nagsusulat na ako at ginagalingan ko. Aba, hindi na ata maibabalik pa ang kahapong lumipas. (Teka, time is gold, kaya bilisan mo! Para kang kotseng flat ang gulong kung magbasa, sayang ang oras na tumatakbong simbilis ng kabayo.)
Enumeration? Hindi ko rin writing style ito! Bakit kamo? Una, walang kasingpangit ang sampung talata o pangungusap na nagsisimula sa mga salitang una, ikalawa, ikatlo at magtatapos sa mga katagang pinakahuli sa lahat. Pangalawa, pampahaba lang ang style na ito at mababato lang ang mga mambabasa ko. Pangatlo, kapag pinagsama mo iyong una at pangalawang dahilan ko, iyon ang pangatlo. At pang-apat… (hehe, wala na palang pang-apat kaya dapat, pinakahuli sa lahat ‘yung pangatlo…)
Really, writer ako. Hinihintay ko na nga lang na maisulat ko ang, ehem, masterpiece ko. Nakabatay ba sa sariling buhay ang paksa? Hindi siguro. Hindi naman mala-telenovela ang buhay ko. Isa pa, sawang-sawa na ako sa mga heto-ang-drama-ng-aking-buhay na mga artikulo. Puro kadramahan, na sa totoo lang ay artipisyal na ang dating sa mambabasa. Kagabi nga, naisip ko sa aking kama, ganito na ba talaga ang mga writer ngayon? Halos mapuno ng luha ang aking unan, sapagkat alam kong unti-unti nang nagbabago ang pananaw ng mga tao sa mundo. Kasabay nito, unti-unti ring gumuguho ang mga pangarap ko. Sayang…
Ano nga ba ang kailangan para magkaroon ng kwenta ang isinusulat ng isang manunulat? Ano nga ba ang batayan para masabi ng mga taong “Oo nga, writer ka.”?
Kung ang mga isinusulat ko ay walang teenage angst o kahit anong galit sa mundo, writer ba ako? Kung wala kang makitang pagkakaiba sa writing style ko at ng isang Grade 6 pupil, writer ba ako? Kung ang mga sanaysay ko ay hindi pang-Palanca, writer ba ako? Kung wala akong mapunang mali sa sistema at positibo ang mga opinyong isinusulat ko, writer ba ako? Kung ang mga ipinapasa ko sa Peyups.com ay hindi napo-post, writer ba ako? Kung ako lang ang taong nakakatintindi ng mga gawa ko, writer ba ako? Kung mas gusto kong gamitin ang “nakakapraning” at “nakakaburaot” kesa “nakapapraning” at “nakabuburaot,” writer ba ako? Kung lahat ng mambabasa ay hindi nakakarating sa huling letra ng huling salita ng huling pangungusap ng huling talata ng artikulo ko, writer ba ako? Ewan ko. Basta ang alam ko, nagsusulat ako dahil gusto kong magsulat at isinusulat ko ang gusto kong isulat. Period.
Oo nga pala, nakalimutan ko. Sawa na rin ako sa acrostic. Iyon bang kapag binasa mo ang mga unang letra ng bawat talata ng isang artikulo ay may mabubuong salita o pangungusap? Grade 6 pupil lang ang matutuwa sa ganun.
…makes me wanna write again myself..
Hi! I happened to check out your site because my friend shared me a link to one of your entries. However, this post captured my attention and I got tempted to leave a comment, hehe. Naaliw ako sa post na eto. It made me realize how much I miss writing in Tagalog; and it inspired me, too, to be confident of my writing skills. Like you, I write because I love to write and I express what I want to express. So I guess masasabi ko na writer din ako. 🙂
Hi Doc. Im KB and a UP Med student also. Today, I incidentally came across with one of your articles. Pinangarap ko magsulat ng tulad ng style mo, marami na din ako nasulat, pero dinelete ko na. Wala naman kasi ako background talaga sa pagsusulat. Pero ngayon, wala na akong gana, Siguro magbabasa na lang ako. Right now, journal na lang ginagawa ko sa blog. I use English to train na rin myself kasi mahina ako dun. Anyway, thanks. Naalala ko yung mga tula, kwento at blog na ginawa ko dati. Things of the past na.
Hi KB, just keep writing. That’s what I’ve learned from other writers. And try to read famous writers’ books on writing. Mai-inspire ka. 🙂
Wow. Una kong nabasa ‘to sa peyups.com pa, nung may mga artik pa dun. Buti na-archive mo. Isa ‘to sa mga favorite kong columns. Galing mo pa ring magsulat!
Salamat, Ashterr! Bago mawala ang columns ng Peyups, na-save ko lahat ng articles ko. Buti na lang. Kaya nandito na sila. Hehe.
Sayang nawala ang site. Gusto ko irecall ang mga comments ko sa mga articles mo. Di ko rin matandaan ang caller ID ko, parang M515 yata.
Hi Doc, I’m a CPA (auditor by profession) and not related to any medical field. I accidentally browsed your site from a friend in FB and I really find your site very inspiring. I love writing but since busybees sa work, I dont find any extra time to ink my thoughts and ideas. Like you po, my parents are ordinary employees (public school teacher mother ko and retired PA ang father ko), I salute you po for the hardwork, dedication and love for education. Naalala ko halos lahat ng sinulat nyo sa ‘Five Valedictorians’ na blog nyo, parang naexperience ko din. I felt the same way. Thanks for inspiring others! Keep it up and God Bless!:)
Hey Dok! Lagi akong bumibisita rito sa blog mo kasi nag-aabang ako ng bagong entry. Pero kapag wala akong mabasang bagong entry, hindi ako nauumay basahin itong article na ito, sobrang witty, halatang tatak-UP. Kapag nagbabasa ako ng articles mo, nakakahugot din ako ng mga isusulat ko. Galing galing! ^_^
Maraming salamat John Paul! Ito ang una kong artik sa Peyups.com 🙂
salamat doc sa nakakainspire mong mga artikulo. naghihintay din ako ng bago. Kung wala, eto, napapadpad sa mga luma.. sana may mapost ka na uli sa mga darating na araw..
Natuwa ako dito. Hehe I must say that you are awesome 🙂
Very inspiring story too.
God bless Doc! 🙂
Ang author at blog post na nag inspire sa akin simulan ang sarili kong blog ? A year had past and I practically read all of the blogs yet I’m still amused in every single way every time I read them all over again ? thank you so much, doc!