Ang Problema sa mga Math Prof

Eto na naman ako. Nag-aral naman ako. Nag-memorize naman ako ng mga formula. Pero ba’t blangko pa rin blue book ko? Pang-ilang exam ko na ‘to, pero may natutunan na ba ako? Kanino? Sa Math prof ko? Ahhh! May Math prof nga pala ko! ‘Langya! Maski ata anong gawin ko sa test paper ko, iisang numero lang ang naglalaro sa isip ko: 5.0.

Buti na lang hindi nakakamatay ang paulit-ulit na pag-eenrol sa iisang Math subject.

Pero mas buti na lang, hindi nakakamatay ang pagbulyaw sa mga natutulog sa klase, ang pagtsek ng mga blangkong exam, ang pag-confiscate ng mga kodigong table of formulas at ang walang katapusang pagbilog ng singko sa class card. Kasi kung nagkataon, matagal nang naging sementeryo ng mga Math prof ang UP.

Sige… kami na namang mga “bobo” at “tamad” na estudyante ang sisihin ninyo! Mahirap ba intindihin na maski gaano mo gustong matuto, kung hindi marunong magturo ang Math prof mo, walang mangyayari sa iyo.

Nung freshman ako, akala ko, wala nang mas tatalino pa sa mga prof ng UP, lalo na sa Math! Ano pa nga ba? Eh di nadali ako ng engot na akala ko.

Iyan ang mali sa pagha-hire ng mga prof. Kasi sa totoo lang, hindi lahat ng taong matalino eh marunong magturo.  Anong paki ko kung nag-laude ka at kung anu-anong letra ang nasa dulo ng pangalan mo, kung hindi mo naman kayang i-explain sa klase kung bakit importanteng malaman namin na hindi equal ang (a+b)2 at ang (a2+b2)?

Ang hirap nga kapag sobrang talino ng prof mo eh! Sa sobrang talino, may mga hindi na kayang abutin ang lebel ng pag-uutak ng mga estudyante. Sila ‘yung mga prof na walang pakundangan kung ipangalandakan na kaya nilang mag-solve ng kahit anong problem sa kahit anong libro. Halos ipagsigawan nilang “Demi-god ako! Lesser mortals lang kayo! Hahaha!”.

Eto pa, ang mga magician na Math prof — mga mahilig mag-disappearing act at mukhang hindi naturuang mag-add ng number of absences nila buong sem. Absent nang absent tapos mamadaliin ang lesson para ma-“cover” ang topics na kasama sa exam? Hello!!! Anong akala ninyo sa mga estudyante niyo, mga scientific calculator na pwedeng i-program para makapag-store ng mga equation in a split second?

Tsaka parang awa niyo na mga Math prof, huwag na huwag niyong ia-assume na natutunan namin nang buong puso ang prerequisite subject ng klase ninyo. Kung wala kayong pasensya at hindi niyo kayang pagtiyagaan ang mga tanong ng mga estudyante niyo, aba mga aso at pusa na lang ang turuan niyo – ‘yun, No Questions Asked ang mga ‘yun!

Syempre, mawawala ba ang mga sadistang prof na walang kasawa-sawa sa pagbibigay ng mga mahahabang problem (understatement ‘to!) tuwing exam. ‘Yung mga Math problem na kulang ang dalawa o tatlong pages ng blue book kada solution? (Uso ang blue book shortage dito…) Walang kasingsaya ang exam kapag nakita mo nang pinupuno ng prof mo ang blackboard ng “Find the derivative and the anti-derivative of the fifth root of xy minus x cubed plus 3y squared x over 2sin30cos60 plus ln 255… blah, blah… raised to infinity!” With matching sinister grin pa iyan galing sa prof mo! “Madali lang iyan class…”

Yeah right… para namang ‘pag napayaman ako ng Math subject kong ‘to, magpapatayo ako ng mansyon na ang area ay equal sa fifth root of xy minus x cubed plus 3y squared x over 2sin30cos60 plus ln 255… blah, blah… raised to infinity! Hindi ko naman magagamit iyang tinuturo mo… bakit ko sasayangin ang oras, pawis, utak, pati na tinta ng ballpen ko?

Pero wala na sigurong mas lalala pa sa mga Math prof na ang “teaching style” ay ganito — magsusulat sa board ng isang problem ni Leithold/Vance, uulitin ang explanation ni Leithold/Vance (word for word!), magpapa-recite (“Questions class?” pero ‘pag may nagtanong, “Bakit kasi hindi ka nakikinig kanina eh!”) at tatapusin ang discussion sa pagbanggit ng magic word, “Okay class, EXPLORE!”

“All problems are in the book. ‘Wag naman kayo mag-depend lang sa akin. You must learn to EXPLORE all possibilities! Malalaki na kayo!” Whehe…Kung ganyan lang din naman ang sistema, di ipapa-money order ko na lang kay Leithold/Vance Yung P300/P250 per unit na tuition ko at magpapakadalubhasa na lang ako sa pagbibilang ng tupa ‘pag Math period!

Gayunpaman, alam kong hindi rin naman tamang lahatin na ang mga Math prof ay ganito. Meron pa namang rare breed ng mga prof na nasa tamang pag-iisip…mga prof na ang motto sa pagtuturo ay “Simplify the complicated” at hindi “Complicate the simple.”

Saludo ako sa Math prof na kayang pairalin ang creativity sa pagtuturo, ‘yung halos mag-circus araw-araw para ipakitang may silbi ang mga pinagsasasabi niya tuwing discussion. Bilib ako sa Math prof na ang kausap kapag klase ay mga estudyante, hindi ang blackboard na kung anu-ano ang nakasulat pero siya lamang sa classroom ang nakakaintindi. Wala akong masabi sa Math prof na kapag hindi alam ang solution sa isang problem eh hindi nag-iimbento ng sagot, kundi inaamin na hindi niya alam ang solution at nangangakong hahanap ng sagot para sa susunod na meeting. Mapapalad ang mga Isko at Iskang napupunta sa (kakaunting) mga klase ninyo.

Pero para sa mga estudyanteng tulad ko… na nakapag-enrol, naka-enrol o mag-eenrol sa mga klase ng Math kung saan maski si Euclid eh mawawalan ng ganang pumasa…

Ipanalangin na lang nating mag-MULTIPLY ang mga dakilang alagad ng Matematika, nang ma-DIVIDE and conquer nila (o seek and destroy?) ang mga Math prof na dapat nang maglaho sa kawalan. Kasi maski anong ADD at SUBTRACT ang gawin mo, sayang ang libu-libong pisong ginagastos sa paulit-ulit na pag-eenrol sa iisang Math subject, pati na sa pagbili ng mga blue book na pagkatapos naman ng exam ay blangkung-blangko.

7 comments

  1. Exactly my point. Sometimes they act like we were majoring in Math, besides, higher maths are only good as long as you are in school. Who ever remembers the hyperbola formula when throwing a ball in a game or calculating the shortest path while crossing the street!

    Great thoughts! Will read everything here! 🙂

  2. Well said Kuya! This applies to most of the teachers. Not only Math profs.

  3. We have that kind of Chem Prof on our Qualitative Chemistry last semester. She kept on boasting about her achievements in her undergrad and master’s degree in UPD. But every time she discusses our lessons in front of the class, ughhhhhhh like what they say “Mas high pa sa mga estudyante yung prof”. It seems like she doesn’t know our lesson, basically by observing how she teaches the lessons. What she do is just read and write whatever is on the book and give us problem sets to answer.

    Many among my batchmates failed the subject but some students like me and my other friends resisted to survive the terrifying subject.

    Well that’s an amazing article doc! Phewwww, so realistic. HAHAHAHAHAHA!

  4. Hi, Doc. I discovered your blog by going over past Rappler articles, one of which was about your family of 5 valedictorians and had a link to this blog. I enjoy your very well written articles, which are all both insightful and candid. I am also a UP alumnus, and I spent freshman year at UP Manila as a BA Political Science kid. I then shifted to UP Diliman (which is closer to Marikina where I live) and then went on to the UP College of Law. I met many INTARMED folks as a freshman and was really impressed with them. You probably don’t know who they are as my student number is from the ’90s pa. Anyway, I am surprised to read that an INTARMED student found Math difficult and had to take it more than once. I thought I was really bad at Math–having barely passed Trigonometry in high school (pasang-awa literally) and had to take Math 1 two or three times as a freshman (I don’t remember exactly if it was 2 or 3 times). But then I now realize that the Math courses you took were definitely higher level Math compared to the basic Math 1 I barely survived.

  5. “Ang hirap nga kapag sobrang talino ng prof mo eh! Sa sobrang talino, may mga hindi na kayang abutin ang lebel ng pag-uutak ng mga estudyante. Sila ‘yung mga prof na walang pakundangan kung ipangalandakan na kaya nilang mag-solve ng kahit anong problem sa kahit anong libro. Halos ipagsigawan nilang “Demi-god ako! Lesser mortals lang kayo! Hahaha!”.

    Eto pa, ang mga magician na Math prof — mga mahilig mag-disappearing act at mukhang hindi naturuang mag-add ng number of absences nila buong sem. Absent nang absent tapos mamadaliin ang lesson para ma-”cover” ang topics na kasama sa exam? Hello!!! Anong akala ninyo sa mga estudyante niyo, mga scientific calculator na pwedeng i-program para makapag-store ng mga equation in a split second?”

    I am not from UP but a state university and I (as well as a whole college department) can so relate to this. What makes it so much worse is we’re on an Engineering course, so his subjects are major ones. Ugh. I have so much more to say, or rant rather, on the subject but then I’d have to resort to being an uncivilized and sully your blog with my vitriolic sentiments. Suffice it to say that that particular breed of vile creatures seems to be a common thing in public colleges and universities. A sad fact.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *