Noong 2016, matapos kong ipasa ang manuscript ng aking libro sa unang publishing house na sinubukan kong pagpasahan, hiningan ako ng mga kuwentong katatawanan mula sa med school upang mabalanse ang mga mabibigat na istorya mula sa residency training. Heto ang anim na kuwentong nahalungkat ko mula sa blog ko noong ako ay medical student pa. Wala ito sa librong ilalabas ng U.P. Press sa susunod na taon. Ito ay para sa lahat ng med student na kasalukuyang nahihirapan subalit patuloy na umaasa at hindi sumusuko sa laban.
Excerpts (Where I Got Extra Money When I Was a Medical Student)
“Bats, tinawagan ako ng Student Affairs. Mag-submit lang daw ako ng requirements.”
“Ha? Bakit ako hindi tinawagan? Paano nangyari ‘yun?”
I was talking to A, my classmate in the INTARMED program. It was the first month of our first semester and we were on our way home. From UP Manila, we took the same bus, his stop 30 minutes before mine (or 60 minutes during Friday night rush hour). Also a class valedictorian and Oblation scholar, he would become my roommate and best friend in medical school.
How I Got into INTARMED
Using her then box-type cellular phone with a 15-minute battery life, my unassuming mother delivered the good news that would ultimately lay down my career path.
“Anak, congratulations! Nakapaskil dito sa blackboard. Nakapasa ka!”
Kung Bakit Mabigat sa Loob Umupo sa Triage
Tuwing magdu-duty ako sa ER, kasama sa mga trabaho ko bilang intern ang pag-upo sa triage. Ito ang pambungad na mesa kung saan kailangan kong tulungan ang triage officer, karaniwang ER resident o kaya ay rotator mula sa ibang department, na harapin ang mga pasyenteng kumukonsulta sa ER ng PGH. Sa loob ng itinakdang oras, kami ang magpapasya kung ang pasyente ay kailangang i-admit, papuntahin sa outpatient department, o palipatin sa ibang ospital. Ito ang trabahong hindi ko kailanman nagustuhan.