Kuwento ng Pagbabantay at ng Pagtutuli

Dalawang taon ang pagitan ng dalawang kuwentong ito. Ang una, isinulat noong 2007 habang ako ay medical intern, ay tungkol sa pagbabantay ng isang ina sa kanyang anak na maysakit sa pampublikong ospital.

SABI NG DOKTOR, kailangan daw bigyan ng Barbie doll si Nikka upang gumaling.  Hindi maiwasang mainggit ng siyam na taong si Eli.  Makukuha na ng kanyang bunsong kapatid ang pinakaaasam nitong laruan.  Samantalang siya, tatlong Disyembre nang humihiling ng robot, pero palaging  nagtitiyaga sa t-shirt na nakakayanang bilhin ng kanyang ina. Continue reading →

Ang pangalawa, isinulat noong 2009 habang ako ay rumaraket bilang baguhang doktor, ay tungkol naman sa pagpapatuli ng isang bata.

NANG MAALIMPUNGATAN SI LEMUEL, kinapa niya agad ang loob ng kanyang brief, at saka pinawalan ang isang malalim na buntonghininga nang makumbinsi ang sarili—buo pa ang kanyang bayag at titi. Walang tumatagas na dugo. Walang natapyas na laman. Walang kahit anong pananakit bukod sa kanyang pantog na nagsasabing siya’y naiihi. Ang matangkad at maitim na lalaking humahabol sa kanya habang iwinawagayway ang kinakalawang na lagari ay panaginip. Gayundin ang mga dambuhalang asong kasama ng masamang mama. Kaya pala ang layo ng itinakbo niya mula eskwelahan hanggang bahay. At nagulat pa siya nang biglang magkaroon ng sementeryo sa pagitan. Buti na lang, hindi totoo ang lahat. Continue reading →

Namamagitan sa dalawa ang karanasan ko bilang fellow para sa maikling kuwento ng UST National Writers Workshop noong 2007, sa pamumuno ng yumaong si Ma’am Ophie Dimalanta.

Marami na akong naiisip para sa mga susunod pang mga kuwento. Sana, magkaroon ng oras bago ko sila makalimutang lahat.

Tags:

2 comments

  1. Sir! Fellow ka rin pala sa UST workshop? Astig! Miss ko na si Ma’am Ophie. Isang taon na rin pala nung pumanaw siya. Sana magkaroon din ulit ng UST workshop, kami na ata ang last batch e. Hihintayin ko yung kwento mo tungkol dun. 🙂

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Names, dates, and events may have been changed to protect the identity of patients. The stories are not meant to provide medical advice for specific illnesses. The author neither accepts online consults nor gives medical advice online. Please consult your trusted physician.