“So, why do you want to be a doctor?”
Pipilitin kong tumingin nang diretso sa mga mata ng nagtatanong sa akin. Ilalabas ang matagal ring pinagpraktisang ngiti. Kaunti lang. Sapat upang magbigay ng impresyong sigurado ako sa mga susunod kong salita.
“Because I want to make a difference in other people’s lives.”
Syempre sigurado ako sa sagot ko. Galing sa isang pelikula iyan e! Hindi na mahalaga kung alin o kung sino ang nagsabi ng naturang linya. Ang punto, scripted ang bawat salita.
“Can you please elaborate?”
Tuloy ang tatlumpung minuto ng pambobola.
Ngayon, apat na taon mula nang malaman kong nakapasa ako sa UP Med, aaminin ko na: nagsinungaling ako nung interview. Sinabi ko ang mga salitang nasabi ko dahil kailangan silang sabihin. At dahil nakasandig ang paniniwala ng walang muwang na ako sa mga konsepto ng paglilingkod nang buong puso, pag-ibig na tunay at walang patid na kaligayahang nababasa ko sa nobela at napapanood sa pelikula.
Ang totoo, napag-isip-isip ko, gusto kong maging doktor dahil gusto kong maging doktor. Wala nang iba pang rason.
Pagkatapos ng apat na taong pagpupuyat, pagsasaulo, pag-eexam, pag-interview sa pasyente, pagta-type ng paper at pagsagot sa preceptor, ang tanging nagtutulak sa akin na magpuyat, magsaulo, mag-exam, mag-interview ng pasyente, mag-type ng paper, sumagot sa preceptor at kung ano man ang madadagdag pa sa natitirang tatlong taon ay ang kagustuhan kong maging Dr. Baticulon.
Kung kailangan kong kumain ng apoy habang tumatawid sa tightrope na sintaas ng monumento ni Rizal sa Luneta pero walang net na sa sasalo sa akin sa ibaba, gagawin ko. Dahil gusto kong maging doktor.
Mababaw?
Dalawang klase lang ang mga estudyante ng medisina. Kung hindi ka manhid, masokista ka.
Pag-torture sa sarili ang pag-idlip ng isang oras gabi-gabi sa loob ng isang linggo. Kabaliwan ang pagbabasa ng lecture transcriptions sa halip na magpaputok sa Bagong Taon. Kalokohan ang pagpilit sa sariling bumangon nang maaga, kahit na makatulog muli sa lecture, basta’t makapirma sa attendance sheet at makaiwas sa finals.
Kasalanan bang hilingin na sana, ipinanganak ka na lang na floppy diskette o CD-RW para mas madaling mag-store at mag-delete ng impormasyon?
Ang awa sa sarili ay kinakalimutan pagsuot ng puting uniporme. Kulang na lang ay ipulupot sa sariling leeg ang stethoscope na nakasabit sa balikat hanggang sa mangasul at tuluyang malagutan ng hininga.
Sa panahon ng ka-toxic-an, hinahalughog ang bawat sulok ng utak para masagot ang katanungang, “Bakit ko ba ito ginagawa sa sarili ko?”
Hindi dahil mataas ang pangarap ng mga magulang ko para sa akin. Hindi dahil kailangan na ng mga kamag-anak ko ng gagamot sa kanila nang libre. Hindi dahil isang isang araw, narinig kong bumubulong ang Diyos sa aking tenga, “Dapat kang maging manggagamot ng Aking mga nilikha.” Hindi dahil kulang na ang mga doktor sa Pilipinas sapagkat nurse na silang lahat. Hindi dahil kailangan ng mga naghihikahos na Pilipino ng magliligtas sa kanila mula sa mga kamay ng karamdaman at kamatayan.
Hindi ko naiisip ang sasabihin ng Nanay at Tatay ko kapag umuwi akong sangkatutak ang bagsak na marka (Anak pa rin naman nila ako kahit ano’ng mangyari). Hindi ko naiisip na sana, nag-Nursing na lang ako para susuweldo na ako ng milyon sa isang taon. At mas lalong hindi ko naiisip si Aling Ebang na may sandosenang anak na may TB at may asawang walang maibigay sa kanya kundi sandosenang STD.
Ang laman lang ng isip ko ay, una, “Gusto ko nang matulog,” at, pangalawa, “Engot ka pala, ginusto mong maging doktor e!”
Kanya-kanya ang dahilan kung bakit nagdodoktor ang mga tao. Walang maling dahilan. Ang problema ay nag-uugat sa kawalan ng kasiguraduhan. Kaya may umiiyak. Kaya may nagku-quit. Kaya may nasisiraan ng bait.
Nakakalimutang higit sa lahat ay ang kagustuhang maging doktor. Saka pa lang pumapasok ang iba pang rason, na bawat isa ay nakasandal sa una.
Dahil sa buhay, ang pinakamatinong sagot ay ang pinakasimple. Madalas nga, sa sobrang simple e tatanungin mo ang iyong sarili, “Kailangan pa ba ng dahilan?”
Awww nakakamiss… all these things you posted from lightning crashes make me nostalgic. π I’m looking forward to reading more from you.
Sir, maraming salamat po sa inspirasyon! Kasalukuyan po akong nasa unang taon ng aking pag-aaral ng Medisina. Mahirap, minsan napapaisip din po ako kung ano bang pumasok sa isip ko at bakit ako sumugod sa landas na ‘to. Sinusubukan ko rin pong mag-isip talaga ng isang konkretong dahilan kung bakit ginusto kong maging doktor, para lang may maisagot na ako sa walang-tigil na pagtatanong ng mga magulang ko, ng mga kamag-anak, ng mga kaibigan, at lalo na ng mga nag-interview (na awa ng Diyos ay nalampasan ko naman, yeah).
Pwede nga naman palang walang maging dahilan. Dahil alam mo lang na yun talaga ang gusto mo.
Toxic at hirap man, pero alam kong dito ako magiging masaya. Salamat po dahil naintindihan ko ang sarili ko sa tulong po ng entry na ito. Sana po maging tulad ninyo ako sa nalalapit na hinaharap. Salamat uli, Sir!
π
P.S. Sorry po sa mahabang komento! At, ang awesome ng display picture ninyo, si Abarai Renji. Bleach fan po pala kayo? Hahaha! (sobrang off-topic, sorry po!)
Thanks, Pau! Good luck with med school! π And yes, that’s Renji. Hehe.
hi doc ronnie! Good job with your essays and stories. This is one of your many articles that i can super relate with.
=D
ang galing galing mo talaga dr. baticulon. idol na idol kita.
gud pm po! this is a joy to read…the reasons why i wanted to become a doctor (for real) were:
1. i can’t think of anything else to do
2. i am bad at business
3. i don’t have the patience to be a nurse or a teacher
4. i find violence and gore exciting hahahaha (kaya nga I’m training under a cutting specialty eh)
5. sure employment. even though it is hard to compete for a slot for residency training, there are lots of “moonlighting” jobs out there–from being a university physician, MHO, philippine red cross blood bank physician, etc….
hehehe =)
and oh, I forgot, hindi naman tayo pwede maging artista eh, so med school na lang. hehe
Hi Doc Ron,
How’re you? We terribly miss you. I’d been enjoying most of your articles but this entry reallycaptured my attention. At least everytime I go to your site, I just thought that you’re still in touch.
youβre really an inspiration to everyone Doc.
hahaaay, im lost in med school din, even up to now! hehehe.. but this made me smile and be inspired.. lalo pa po ngyn, exams na next week!! :))) bang!! oras na nman ng pagpapanggap.. but in less than a minute in reading this, you instantly became someone i now look up to.. God bless po..
[…] friends for this… but I won’t give up. Here, an excerpt Β from Dr. Ronnie’s blog post: Kanya-kanya ang dahilan kung bakit nagdodoktor ang mga tao. Walang maling dahilan. Ang problema ay […]
wow naman….
ang galing mo talaga.. nakakainlove…. hahahaha….
I’m aspiring to become a doctor too..
pag nahihirapan ako lalo na ngayon sa clerkship, lagi ako napapatanong ng katanungang yan. lalong tumitindi ang aking pagtatanong kapag nakikita kong umuusad na ang mga kasabayan ko, nagkakapamilya na at kumikita ng pera. pero lagi rin kasing may mga moments na pinapaalala sa akin ng Diyos kung bakit ginusto ko ang daang ito. nakakaadik ang pakiramdam na pinagkakatiwalaan ka at kahit anong sabihin mo paniniwalaan ka kaagad (na pinag-uugatan din ng problema minsan) lalo na kung nararamdaman din ng pasyente ang concern mo sa kanila. may mga difficult din na patients, pero kadalasan, nirerespeto ka ng nakararami. parang hindi tao ang tingin sayo ng mga kamag-anak mo. masarap ang feeling sa umpisa pero nakakapressure. di bale, masasanay rin balang araw. dapat masanay para paghusayan ang sarili. buti na lang naapunta ako dito. break muna from studying. God bless you, Dr. Keep the passion burning!
Inspirational.
I am not a med student but I am enjoying reading your writings here! They all made sense. π
Sir Doc. Pleeeeease mag post pa po kayo ng mga ganitong blogs. Kailangan ko po ng inspirasyon. Kase po gusto ko po mag doktor, e parang nag aalinlangan pa ako. Kakatapos ko lang Po mag Highschool. π Thankyou Po. Nakakainspire. :)))
really enjoyed reading your blog with my husband. were both doctors and it brought back the memories of struggles and toxic days. will tell my children to read your blog too.
Thank you po!
Tama po doc…sana lahat nga po ng duktor nauunawaan nila ang mga sacrifices ng mga pasyente…lalo na sa PGH…sa pakikipaghabulan sa oras para lang maihulog “on time” ang mga blue card sa maliit na box at pagkatapos mababasa mo sa ibaba nito “balik po kayo ng 12:00nn”. Si pagod na pasyente magliliwaliw muna sa kahit saang sulok ng ospital upang sundin lang ang nakasulat sa ibaba ng maliit na box na iyon. Pagpatak ng alas 12:00 unti-unting sumisikip ang OPD. Tatawagin ng mga “sarcastic” na staff ang pangalan ng bawat pasyente…”Maghintay po kayo sa tapat ng 206!”…masikip, maalinsangan, may iba’t ibang amoy ng katawan ng tao. maingay na may iba’t iba ring kadahilanan…subalit hindi alintana iyon ng mga abang pasyente…”Ma’am may duktor na po ba?” “wala pa! maghintay kayo! umalis kayo dyan!”…alas 2:00 ng hapon…alas 3:00…alas 4:00…bubukas ang nasa may tagilirang pinto ng 206…iluluwa ang duktor…ang isa pang duktor…ang isa pa at isa pa…”Si doc!”…isa lang ang nakikita kong “common denominator” sa mata ng mga pasyente…( mahilig kasi ako magmasid at pumuna ng nga bagay na nakikita ko…parang MRI lang…lahat bibigyan ng impression ang bawat detalye…)…”PAGKASABIK”, pagkasabik na makausap ang duktor at marinig ang bawat sasabihin nila para sa kanilang mga sakit…”good pm doc!”…blangko ang mukha ng doctor…marahil sa puyat at pagod na rin…pero puyat at pagod rin naman ang mga pasyente, nanggaling sa malalayong probinsya, idagdag pa ang mga sakit na lubhang nagpapahirap sa kanila…susulat ng konte ang duktor sa chart…”pasyente!” “bye doc…salamat…” “pasyente!”…alam kaya ng mga duktor ang bawat pinagdaanan ng mga pasyenteng ito bago sila makaharap?…alam kaya ng mga duktor na minsan kahit hindi pa sila nagrereseta o hindi pa nila sinisimulang gamutin ang mga pasyente nila ay gumagaling na?…o kung hindi man sabihing gumaling, gumaan man lang ang pakiramdam ng kanilang mga pasyente? “O, kumusta ka na?” makikita mo ang “genuine” na ngiti sa labi niya kahit alam mong pagod din siya. “Ok lang po dok…bla bla bla” “Sige, pagaling ka ha, ingat!” “salamat po dok, bye…” “ok!, bye, ingat ulit!…”naiintindihan ko naman na “EVERY INDIVIDUAL IS UNIQUE”…sa isang pageant sa eskwelahan…”Ako po si Juan Matsing!, Limang taong gulang, paglaki ko po gusto kong maging duktor!, para po makatulong sa mga may sakit!” bigla kong naalala ang isang bersikulo sa BIBLIA…” “NGUNIT SINABI NI JESUS, HAYAAN NINYO ANG MALILIIT NA BATA , AT HUWAG NINYO SILANG PAGBAWALANG LUMAPIT SA AKIN, SAPAGKAT SA MGA TULAD NILA NAUUKOL ANG KAHARIAN NG LANGIT.” – mateo 19:14…
Whenever I feel like quitting, this post keeps me reminded of the reason why I held on for so long in the first place.
Just always keep the end goal in mind. That will keep you going when things don’t go your way. They are but temporary setbacks. If you know what you want, nothing should stop you.
I am a mother of a former Iskolar ng Bayan who despite setbacks in her UP days persevered and is now in med school. I shared this blog to her and her classmates. I saw the sacrifices she does in her studies, and as a parent I want her to be spared of other concerns while she studies.
Living far away from my children makes me take extra effort to catch up with them and see that their lives would be a lot easier especially my med student.
After seeing how my daughter spends time for projects ( which her father and brother even helped her) and making us her alarm clock so she can sleep a wee bit and wake up to study, makes me salute doctors the more. Don’t get me wrong, I mean they who spent really their waking hours, even their supposed to be sleeping times, studying.
Thank you for the realities you mentioned and for the inspiration that setbacks are not reasons to quit. They are temporal anyway in a med student’s life. In fact even in their medical profession if they eventually progress to.
I wish your daughter all the best in medical school. Thank you for sharing po! π
Thank you for such encouraging words Doc. This reminded me of why I decided to enter medschool and why I must not give up! π
Because you shouldn’t. π
Nakakarelate ako ng husto sa mga articles na nandito…especially yung
“5 valedictorians in the family”
Hi doc! Sobrang na-inspire po ako sa mga entries nyo. Ako naman po ay isang Vet Med student at medyo nakakarelate rin po ako sa inyo. I can really see your dedication and your love for your profession. I hope that I will also have that motivation to learn in spite of hardships and struggles. Thanks po for the inspiration. May God bless you for serving our country unconditionally and selflessly. π
Your blog entries are so addicting. Nakakatuwang isipin na may mga doctor na kagaya mo. Ang galling galing mo magsulat. Keep it up. Ngayon ko lang nadiscover tong blog mo. I am working in a Home Health Agency here in the States and we used to have a nurse who was a doctor in the Philippines who happens to be a graduate of UP also. Nung nalaman ko na nurse sya dito at hindi nagdoctor, parang nalungkot ako. Tapos parang ok na lang sa kanya na nurse sya not for the love of the profession but for the perks, kasi nga malaki o magaan ang buhay ng nurses dito. Parang kinalimutan nya na maging doctor. Or maybe its just me, baka kasi ang tingin ko sa mga doctor na galing UP eh idealistic na tulad mo.
More power doc, sana dumami pa ang kagaya mo.
Thanks doc. Nakaka inspired yung story . Magpapa enroll po ako ngayun sa kursong vetmed. Medyu nalilito lang po ako kasi may takot po ako na baka mali po itong pinili ko . Peru yung excitement po andito yung takot lang po talaga ..
Nakakatuwa pero totoo nga. Isa akong pharmacist nagbabalak maging doktor pero naisip ko mahirap ang landas na ito. Hindi ko alam, nacoconfuse ako kung ano nga ba? May blog post din ako bago lang: http://rxchiscorner.blogspot.com/
Anyway, napakagaling mong doktor, humorous yet informative ang post mo.
that was so inspiring π Good Job doc π
Dati pa, gusto ko talaga maging doctor pero nagka anak ako at nag asawa kay at that time I kissed my dream goodbye. Pero mabait ang Diyos and blessed me with wonderful parents who are always ready to support my dreams, so last 2013 I started med school. There were times talaga when I have to carry my daughter while reading physiology book, going to school during weekends and view pathology slides WITH my child and answering her questions about that slide, and staying up studying for gynecology final exam in the hospital where my child was admitted. Mahirap. Nakakapagod, minsan umiiyak na ako sa pagod, pero gusto ko ito. I always come across your blog if I’m feeling tired and burned out. Thank you for always inspiring other people. Coming May, magpo 4thyear na ako. Malayo pa ako sa pagiging ganap na doktor, but i’m getting there.
Tatapusin ko na, ubos na ang tagalog ko. Haha.???
Bisaya from Davao
This is really a great blog doctor. Katulad mo rin po ako. Gustong gusto ko po talaga maging doctor pero kung pagbabasehan po talaga yung financial status, Hindi talaga kaya. Ang pinagkaiba lang po talaga you’re a smart person while me, average lang po. Nakasama sa top 10 ng pioneer section pero mahirap maging valedictorian. I really wanted to become a doctor and reading a blog like this makes me feel na wow, finally I found someone na parehas Kong passionate pagdating sa topic na ito. I hope to meet you or talk to you personally about this. Keep writing blogs related to this. Doc, God Bless!
Hi Justhine, just keep the fire burning. Do your best and everything will work out just fine. Thank you for reading! π
Okay po. Plano ko rin po na magtry mag INTARMED. Grade 11 pa lang po ako kaya mahaba haba pa. But I’m gonna make sure na magiging doctor ako someday. Salamat po. God Bless!
this is very inspiring. i want to take medicine but then nagiisip pa din ako kung kaya ko ba. i am already a nurse and i want to be a doctor. pero naiisip ko ang tagal. baka pang matalino lang.
Hi Angge, it all depends on how badly you want it. I hope you get the answer that you need. π
hi!same here, i am pharmacist in a hospital for 3yrs now, and hindi ko alam kung dala lang ba ito ng quarter life crisis or what,but this time i want to pursue med, gusto kong kayanin pero my parents are not capable to finance me since they are both old now. and i’ve been thinking of pursuing med for a couple of days already,i don’t know, it just came in to my thoughts in just a snap.
Doc nakakainspire po yung essay mo. Actually high school pa lang po ako and first batch ng k12 at I admit na may kahinaan ako sa mathematics. Sinabi ko sa mama ko na gusto ko na maging doctor. Tinanong nya po sakin kung bakit pagiging doctor ang napili ko kung doon daw ba ako sasaya. Wala po ako maisagot sa kanya naiisip ko lang po talaga ay gusto ko magdoctor. Araw araw hinahanapan ko ng rason kung bakit gusto ko magdoctor. Pero ngayon pwede nga pala walang dahilan as long as I want to be a doctor. Thank you doc!
Ps. Gaano po kayo katagal ang pagdo-doctor? Nagaalinlangan po ako na baka sobrang tagal at mahirapan ang parents ko kakapaaral sakin kasi hindi naman po biro ang pagpasok sa med school pero gusto ko parin mag pediatrician. Pero how long does it take to become a doctor?
Hi Kyla, you need 4 or 5 years of pre-med, then 4 years of medical school and 1 year of internship. If you can qualify for INTARMED in UP, it will only take you 7 years after grade 12. Sa La Salle, they have a similar program called Human Biology. But these are highly competitive programs so you really have to do well. You can always look for scholarship programs so money should not be a deterrent if you really want to become a doctor. I wish you all the best!
Thank you so much doc! God bless you.
Hi po, grade 10 pa lang po ako bit im looking forward on this Course. This article is so Inspirational!! Napapangiti ako habang binabasa ko to. Iniisip ko din. Bakit ba gusto kong maging doctor? Iniisip ko na kung bakit kasi alam kong marami magtatanong saken nyan. Date kasi ang dami kong gusto. Mascom,nurse,business ad,physcology at kung ano ano pa. Normal lang naman yun diba? But this time, feeling ko sure na ako dito, ipupush kona to. Magaaral nako ng mabuti. I can’t imagine.na dito din pala bagsak ko. Kasi doctor talaga ang unang pumapasol sa.isip ko dati ng bata pako, pag tinatanong ako kung bakit, alam nyo na yung sagot “gusto ko po makatulong sa kapwa ko” hahaha sinabi nyo din po yan diba? But now, it’s different. Now i know what’s the answer to those questions kung bakit gusto ko daw mag doctor, bat ito ang pinili ko, baka daw naguguluhan lang ako, pinagtatawanan pa nga kung minsan. Pero hindi nila alam kung ano yung nararamdaman ko kung bakit nga ba gusto kong maging doctor. Kasi wala eh, gusto ko maging doctor. Mararamdaman mo naman diba kung gusto mo yung isang bagay… Sometimes not all the questions need an answer. I want to be a doctor. Someday, babalik ako dito. Isheshare ko yung journey ko i hope. Thankyou po doc. I’m inspired. Thankyou so much GODBLESS US ALL! -soontobedoc.
Doc nakakainspire po ung blog nyo po, Gusto ko po sana magtanong I’m a licensed Engr and gusto ko pong maging Doktor kaso po average student lang po ako and nung college marami po akong failure subject(galing po ako sa quarter system na school) and according po sa research ko po mahihirapan po akong makapasok sa magandang school if may failure subject. ang question ko po is what if kumuha po ako ng masters may bearing po kaya ito sa mga med school sa Philippines. Thank You Doc!
Hi Paul John, bihira kasi ang nagma-masters before medical school. Usually, doctors take masters degrees after graduating. I would recommend that you take the NMAT first and see how you go. That should give you an idea on how much studying you need to do if you really want to go into medical school. All the best!
salamat po sa pag share niyo. nakaka relate po din saakin. sinabi ko po kasi sa tatay ko na gusto ko mag vet med. tapos parang nakita ko yung look nya parang ayaw niya kasi natawa sya konti at nag kwento konti about nursing or pharma. I’m a senior highschool student wala po akong mapag tanungan ng kasama kasi kahit po sila ay busy din sa course na tatahakin nila at entrance exam. gusto ko po sana na iyon na po ang kukunin ko pero atanong ko lang po kung papaano po? mag eentrance exam po ba ako sa school na may vet med for next year? mag t-take po ba ako ng NVAT na nakita at nabasa ko lang po dito sa internet? i hope na mabasa mo po ito. maraming salamat po sa pag share niyo po godbless π
Lodi ???
Hi doc.
Im glad I bumped into your blog.reading your stories gives me confidence to pursue medicine. but Im kind of hesitant because of my age. im already 35 yrs.old.single mother and after so many years of working hard for my sin and pursue my passion para akong biglang natakot na ituloy ang medicine because of my age. Can you please enlighten me with my current situation doc. I really want to be a doctor thats why i worked hard and save for it.
PAANO PO KUNG GUSTO MO PERO PARANG AYAW NG MGA MAGULANG MO??
Then you do your best to prove them wrong.
Hi Doc Ron, Mag grade 11 pa lang po ang gusto ko po mag doctor, BS in Biology ang kukunin ko pag nag college po ako.
May tanong po ako. Ilang taon po ang aabutin bago maging isang ganap na doctor?
At anu anu po ang mga exam na dapat ipasaa para maging isang doctor? Ang alam ko lang po kase ang NMAT e.
Doc, thank you for being an inspiration!
P.s. thank you po sa pagtasa ng lapis ko nuong boards. Legit na doktor na po ?